Akala ko malakas ako, akala ko kaya ko, akala ko tapos na ako sa ganitong stage, mali pala ako. Mayroon palang mga bagay na akala ko noon naiintindihan ko at madaling desisyunan pero ngayon ko lang natutunan na "there are certain things that are not meant to be."
I don't know what's wrong with me, bakit until now naghahanap pa din ako. Hinahanap ko pa din yung "somebody" na yun, na kokompleto sa akin. Ayoko ng komplikadong buhay pero, ako mismo ay isang malaking komplikadong tao. I know na everything has the right time for the right moment. Naintindihan ko na may mga bagay na hindi dapat madaliin, kasi ilang beses ko ng naranasang maiwan sa ere, clueless, at hindi alam ang next move dahil sa pagmamadali ko. I thought natutunan ko na ang lesson ko, akala ko kaya ko ng i-handle ang mga ganung sitwasyon, hindi pala. Nangyari na naman, naiwan na naman ako dahil sa kagustuhan kong magmadali. Hindi ko alam kung pangit ba ako, sobra bang O.A. ang pag eexpress ko ng nararamdaman ko, do I need to hide my feelings, or do I have to play this put*ng in*ng game na 'to?
Masarap ang pakiramdam ng may makikilala kang may connection agad, na alam mo deep inside "pwede eh". 'Yung pakiramdam na lagi kang puno. Punong-puno 'yung puso mo dahil sa sobrang saya ng nararamdaman mo everytime na kausap mo siya, ka-text, kapag tumatawag siya, everytime na nagkaka-salubong ang mga mata niyo, every moment na naiisip mo siya, nami-miss mo siya, gusto mo siyang yakapin, halikan, pagsilbihan, maka-tabi habang nanonood ng dvd, o kaya panoorin lang siyang mahimbing na natutulog. 'Yun 'yung mga moments na priceless, 'yung mga moments na hindi ko kailangang magkunwari, magtago, mangarap. At ang mga ito, mas masarap kapag naibubuhos ko lahat sa kanya, lahat-lahat, walang ititira, buong-buo, walang hesitations, walang inhibitions, walang doubts, walang fears, walang laro, just pure love. I don't believe dun sa kasabihang 'pag nagmahal ka, dapat magtira sa sarili, that's bullshit. Dahil iba 'yung love sa sarili at iba din 'yung love sa partner. You can give 100% love sa sarili mo at 100% sa partner mo. Kung mawala siya at hindi mag-work out ang relasyon, edi nawala ang 100% for him, but you still have your own 100% sa sarili mo.
Corny na kung corny, pero ganun eh. May nakapag-sabi sa aking "ikaw kasi, hindi mo man lang ako hinayaang habulin ka". In a way, my point siya. Hindi ko man lang siya hinayaang ma-develop 'yung nararamdaman niya for me, hindi ko man lang siya pina-hinog, hindi man lang ako nag-pakipot. Pero anong gagawin ko? 'yun ang nararamdaman ko, 'yun ang sinasabi ng puso ko. Bakit ako magpapa-habol kung ayokong tumakbo, ayokong lumayo? ako nga yung humahabol eh. Ang mga hinahabol lang ay 'yung mga pinipilit at uma-ayaw. Ang mali lang sa akin, hindi ko kayang kontrolin ang puso ko, ang nararamdaman ko. Ang mali sa akin, hindi ko kayang sundin ang rules ng so-called "laro" ng buhay at pag-ibig.
Siguro nga, I have to analyze everything, baguhin ng konti ang strategy ko, at pag-aralan ang rules ng laro na alam kong permanente na sa mundo. Pero kumbinsido pa rin ako sa isang bagay - giving all the love that you could give no matter what happens. 'Yun lang kasi ang maio-offer ko sa mahal ko nothing else. Dun ko lang kasi masasabing "I did my part". Ayokong mabuhay ng may regrets, may what ifs and maybes.
Akala ko, sabi nila if you love someone, just be yourself and let the love guide you, mali na naman pala 'yun. Ang gulo ng buhay, ang komplikado ng tao, nakaka-pagod. Pero siyempre, I have no other choice but to accept what I have and enjoy what's left for me. Andyan naman palagi ang alter ego ko eh, the strong me who will always be there to catch me everytime I fall. Maybe I'm addicted to pain, addicted to its consequences, and to what I will be getting from it.
Akala ko may tao pang willing mag-buhos ng totoong pagma-mahal ng walang kondisyon, pagmamahal na walang ibang attachments, pagmamahal na yayakapin ako ng buong-buo at mahigpit na tipong hindi na ako pakakawalan pa. Pagmamahal na mamahalin ko din sa sarili kong paraan. Akala ko meron pang ganun, pero parang wala na eh, nauubusan na ako ng oras. Sana this time, mali ako. But I'm not losing hope, I'll be waiting for that somebody, gaano man siya katagal.
No comments:
Post a Comment