Powered By Blogger

Thursday, July 21, 2011

Laro, laro, laro...









Unconsciously, aminin man natin o hindi, may certain na laro tayong sinusundan sa bawat relasyon, buhay, pag-ibig, trabaho, kaaway, kaibigan at kapamilya. Pati sa sarili mo, nakikipag-laro ka din. At ang catch pa dito, kapag hindi ka marunong makipag-laro, talo ka kahit anong galing mo o kahit anong buti mo o kaya nama'y kahit gaano pa ka-sincere ng intention mo, dapat mo pa ding matutunang makipag-laro. Kahit hindi ka player, you will be forced to become one.

Ang rules ng laro ay applicable sa lahat ng sitwasyon sa buhay, but I'd like to focus more on love, siyempre... I'm a hopeless romantic guy, ano pa ba? Napa-pansin ko kasi na kahit gaano mo kagusto ang isang tao, kahit mahal na mahal niyo ang isa't-isa, kung hindi marunong makipag-laro ang partner, for sure matagal na ang 5 months sa relasyon niyo. Ang dami kong kakilalang ganyan, ako mismo nakaranas na. Naalala ko 'yung isang episode ng "Sex and the City" sabi dun, kapag first date mo, whether lalaki ka o babae, kelangan ikaw yung hinahabol. Hindi ka dapat maunang tumawag sa kanya after ng date, kapag tumawag siya today, maghintay ka muna ng about 2-3 days bago ka tumawag uli, para hindi ka magmukhang nagkakandarapa sa kanya. Kapag mag-asawa na, kelangan mag-pretend kang masaya ka palagi pag dating sa sex kung ayaw mong hiwalayan ka. Pag dating sa break ups, dapat pag nagkita kayo ng ex mo, kelangan maganda ka para hindi niya sabihing youre still mourning. Things like that na I really find it absurd.

Bakit kailangan pa nating makipag-laro sa mga taong gusto natin, mahal natin, at malapit sa puso natin? Ako, makikipag-laro ako sa mga taong pampalipas ko lang ng libog, 'yung tipong one night stand lang, 'yung mga taong kinaiinisan ko, 'yung mga taong gusto ko talagang paglaruan at pagtawanan. Pero bakit ganun ang tao? Mahal naman nila, umaayaw pa, gusto naman nila, pakipot pa, naghahanap noon, ngayong andiyan na, ang daming "pero" ang daming demands. Nakaka-lito din ang tao eh no? Hindi natin alam kung ano ba talaga ang gusto natin. At ang nakaka-tuwa dito, 'yung gusto natin ay nagbabago every now and then, especially kapag nakuha na natin 'yung gusto natin, we'll be looking for something else.

May kilala akong nagsabing: "gusto ko sa guy 'yung mamahalin ako ng totoo, kahit hindi ganun ka-gwapo basta may koneksiyon kaming dalawa..." ang perfect diba? Kikiligin ka eh pag narining mo. Kaso, 'nung dumating na 'yung taong 'yun - pang-relasyon material eh, hindi ganun ka-gwapo pero 'yung character and personality niya ang nagpapa-gwapo sa kanya. May kilig namang nararamdaman, pero bakit kulang pa rin sa kanya. Biglang nabago ng kaunti 'yung "gusto" niya. This time, kelangan gwapo na... We are still looking for something better than that, I don't know kung ano na naman ang gugustuhin niya after niyang makuha 'yung "gwapo".

Kung sino man ang nagpa-uso ng larong ito, hindi maganda. Hindi maganda ang reasoning at goal ng naimbento niyang laro. Pero I have to admit, dahil sa larong ito nagkakaroon ng thrill ang bawat relasyon na alam ko. But still, itong larong ito, doesn't serve the purpose of love. Kung ganun lang kasi, HINDI LOVE ANG GUSTO NATIN, THRILL ANG GUSTO NATIN. Naiinis ako each time na may gumagamit ng love as their reason to escape, kesyo wala ng love na nararamdaman etc. where in fact, THRILL ang nawala na pinipilit pa din nating hinahanap-hanap sa iba't-ibang tao. Kasi kung mahal mo talaga ang isang tao, wala kang paki-alam sa rules, sa mga dos and don'ts, sa mga sasabihin ng tao, sa sasabihin mo sa sarili mo, hanggat alam mong ibinibigay mo ng buo ang pagmamahal mo, 'yun ang love.

Sana wala nalang laro, sana puro nalang love.

No comments:

Post a Comment